Minsan lang ako magblog sa Tagalog.
Ewan. Di ko kasi matranslate sa English yung emotions ko ngayon. Sobrang halu-halo. Di ko maintindihan. Di ko magets. Ganito ba talaga tuwing iniipon mo lahat sa sarili mo?
Nitong mga huling araw, may pagka-rollercoaster yung buhay ko. Ang daming nangyayari. Expected, di unexpected. Pero either of the two, di ko pa din maiwasan na di maapektuhan.
Since alam ko naman na ilan lang ang bumabasa sa blog ko (pahumble? sorry naman a.), feel ko na dito muna mag-open. Kaya dun sa mga makakakita, wag niyo naman ipagkalat. Haha. Hayaan nyo na yung mga taong involved yung makadiscover. Dami kong kaanuhan, no? Eksena ko na kasi yun. Whatever. xD
...
Ang pinaka-overwhelming sa mga nararamdaman ko ngayon is sakit.
Sakit. As in,
emotional. Oo, baliw na ata ako. Baka may psychological disorder na ako.
Define muna natin yung pain/suffering: it refers to mental or emotional pain, or more often yet to pain in the broad sense, i.e. to any unpleasant feeling, emotion or sensation. In short, mga pakiramdam na di kanais-nais.
May nararamdaman akong di maganda sa ngayon. At grabe, madrama man pakinggan, para akong minamartilyo. Pinupukpok. Alam naman na siguro natin kung anong parte ng katawan ko yung apektado diba?
Well, expected ko naman na yung nangyari. Pero akala ko, pag inexpect ko ay kahit papano di gaanong masakit. Since alam ko naman nang mangyayari, nakapaghanda na ko. Kaso, di den pala.
Bwisit. Naiiyak ako. Bat ganito. Gara.
Bakit kasi mas mabilis makaalala ang puso kaysa utak? [haha.] Yung tipong kahit buong gabi mong sinabi sa utak mo na bukas e di mo na siya gusto, na kakalimutan mo siya... kinabukasan pag nakita mo sya, WALA NA. Di mo na naalala yung mga sinabi mo nung gabi. Natatandaan mo na lang na gusto mo sya. Umiiral na naman ang puso. Natatanga ka na naman.
Ganun ba talaga yun?
Bahala na. Iiyak na lang muna ko sa ngayon. Lahat muna ng luha para sa kanya. Pagkatapos ko umiyak, saka ko na lang ulit ipagpapatuloy ang mabuhay.
Drama? Haha. Emo ako e. Umuulan pa. Pagkakataon nga naman oh.